HomeGood DeedsBagong Tahanan, handog ng RMFB 7 sa isang pamilya

Bagong Tahanan, handog ng RMFB 7 sa isang pamilya

-

Cebu – Malugod na ipinagkaloob ng mga miyembro ng 701st Maneuver Company (MC) ng Regional Mobile Force Battalion 7 ang bagong tahanan sa pamilya na naging benepisyaryo ng programang “Bahay Ko, Sagot Ko” sa turnover ceremony na inilunsad sa Bogo, Cebu noong Miyerkules, Pebrero 15, 2023.

Ang programa ay personal na dinaluhan ni Police Colonel Ronan R Claravall, Force Commander ng RMFB 7.

Ayon kay Police Colonel Claravall, ang matagumpay at patuloy na pagsasakatuparan ng programa ay bunga ng maayos na ugnayan at pakikipagtulungan ng batalyon sa komunidad, stakeholders, at higit na sa Advisory Council ng 701st MC na siyang katuwang sa naturang proyekto.

Labis naman ang tuwa at pasasalamat ng pamilya Bakus na siyang naging benepisyaryo ng programa sa handog na bagong bagong tahanan at ng iba pang tulong na natanggap mula sa kapulisan.

Hangad ng RMFB 7 na kasabay ng pagganap ng kanilang tungkulin upang panatilihin ang kaayusan at kapayapaan ng komunidad ay matiyak ang kaligtasan ng mamamayan sa kanilang nasasakupan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

LATEST POSTS

MDRRMO Catmon gihatagan og dakong pagdayeg sa LDRRMCO Regional Level

CATMON, Cebu|  Dakong garbo ug kalipay ang gibati sa katawhan sa Lungsod sa Catmon human gihatagan og dakong pagdayeg ug pag-ila ang Municipal Disaster Risk...

Paypay nga Nagpabugnaw ug Nagpanalipod

February 16, 2026 | The spirit of community partnership came alive in Catmon, Cebu as personnel of Catmon MPS, led by Plt Perter Muana, DCOP,...

San Guillermo de Aquitania: A Life of Humility, Service, and Faith

Long ago in Aquitania, natawo ang usa ka lalaki nga dunay gahum, dungog, ug kadato, si San Guillermo de Aquitania. Maisog siya nga mandirigma, halangdon...

Catmon PNP Strengthens Community Defense Through Youth and Family Centered Drug Symposium

Catmon, Cebu | December 22, 2025. In a proactive effort to fortify community safety and protect the next generation, personnel of the Catmon Municipal Police...

Most Popular

Sponsored Advertisement

spot_img
Emergency? Call 911